-- Advertisements --

Iloilo City – Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa nangyaring sunog sa Gaisano Grand Mall sa San Jose de Buenavista, Antique na tumagal ng tatlong oras.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fire Sr. Supt. Atty Jerry Candido, director ng BFP Region 6, sinabi nito na base sa inisyal na impormasyon, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng mall kung saan mabilis itong kumalat sa unang palapag.

Mahigit 30 mga firetrucks naman ang nagresponde mula sa Northern at Southern Antique, Iloilo Province at Iloilo City.

Ayon kay Candido, inaalam pa ang sanhi ng sunog at ang haglaga ng pinsala.

Wala namang may naitala na nasugatan o namatay sa nangyaring sunog.

Samtantala may pagpupulong naman na gagawin ngayong araw si San Jose de Buenavista Mayr Elmer Untaran kasama ang may ari ng mall upang mapag-usapan ang magiging sitwasyon ng mga empleyado.