-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang insidente sa aiport ng El Nido , Palawan kung saan sangkot ang eroplano ng Air Swift.
Partikular ang paghatak ng Lio El Nido Airport sa eroplano sa runway bago pa man dumating ang mga imbestigador ng nasabing awtoridad.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board
Chief Rainier Caculinao , kuwestiyonable umano ang pag-alis sa aircraft sa runway dahil hindi pa ito nasilip ng mga imbestigador.
Nabatid na sumabog ang gulong ng Air Swift na nagresulta sa pagkaantala ng mga flights sa lugar.
Bunga nito, na-divert sa Puerto Princesa Airport sa Palawan ang ilang mga flights ng nasabing paliparan.