-- Advertisements --

Sisimulan na sa susunod na linggo ng Philippine Olympic Committee (POC) ang imbestigasyon sa reklamong inihain ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena laban sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Ayon sa POC na pangungunahan ng kanilang ethics committee ang nasabing imbestigasyon.

Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino na ang nasabing reklamo ay inihain sa Athletes Commission and Safe Sports Technical Working Group.

Tiniyak nito ang patas na imbestigasyon at kanilang papanagutin ang sinumang may pagkakasala.

Binubuo ni rower Patrick Gregorio bilang chairman ng ethics habang miyembro sina sailing champion Ernesto Echauz at bridge Gerry Alquiros.