Itutuloy ng Senado ang imbestigasyon sa war on drugs ng Duterte Administration dumalo o hindi si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel III.
Nakatakda sa araw ng Lunes, Oktubre 28 ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Giit ng senador, higit sa 30 ang kanilang inimbitahan sa pagdinig at marami ang babyahe para makadalo sa hearing.
Hindi mahohostage aniya ang pagdinig sa war on drugs dahil lamang sa kawalan ng presensya ng isang tao.
Bagamat aminado si Pimentel na mahalaga ang magiging testimonya ni Duterte pero hindi naman niya kontrolado ang kilos ng dating punong ehekutibo lalo’t malayo rin ito sa Maynila.
Una nang iginiit ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na dadalo si Duterte sa pagdinig ng Senado hinggil sa war on drugs.
Plano naman ni Pimentel na tapusin ang imbestigasyon bago matapos ang taong ito.