Hindi raw ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang magdedesisyon kung guilty o hindi si Pastor Apollo Quiboloy.
Tugon ito ng Kingdom of Jesus Christ leader sa mga akusasyon na ipinupukol sa kaniya ng mga dating kasapi o miyembro ng kanilang relihiyon.
Ayon kay Quiboloy, kailangang patotohanan ng mga victim-survivors sa korte ang kanilang mga akusasyon upang madepensahan niya ang kaniyang sarili.
Tinawag pa ng pastor na “trial by publicity” ang pagsisiyasat ng komite dahil wala aniya silang resource person sa pagdinig dahil puro sa mga nag-aakusa sa kaniya ang mga inilabas ng Senado
Gayunpaman, mariing itinanggi nito na ang mga mabibigat na alegasyon sa kaniya gaya ng sexual na pang-aabuso at iba pa ay walang katotohanan.
Pero sa panig ni Sen. Risa Hontiveros, normal lang sa inaakusahan ang pagtanggi dahil ito ang paraan ng mga ito na makaiwas sa pananagutan sa batas.