CENTRAL MINDANAO – Agad nag-utos ng malalimang imbestigasyon si Governor Nancy Catamco sa tanggapan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) kaugnay ng diarrhea case sa Purok 6, Barangay Nalin, Midsayap, North Cotabato.
Ayon kay IPHO Cotabato chief Dra Eva Rabaya ang mga residente ay gumagamit ng jetmatic pump para sa kanilang tubig inumin at nang magsimula ang madalas na ulan sa lugar at posibling na kontamina ang water source.
Sinabi ni Dra Rabaya, clustered diarrhea cases ang nakita sa monitoring at may isang amoeba case.
Nilinaw din nito na hindi ito kaso ng cholera outbreak basi sa resulta ng imbestigasyon ng mga health doctors.
Kasunod ng kahilingan ni Brgy Kagawad Alladin Puntuan at Brgy Chairman Roque Paracuelles ay nakatakdang maghatid ng hyposol at chlorine ang IPHO para matiyak na malinis ang tubig na kanilang magagamit.
Mahigpit naman ang bilin ng IPHO chief na iwasan na muna ang pag-inom sa bomba ng tubig o jetmatic pump habang madalas ang ulan.
Kung ‘di man maiwasan, kailangan diumanong pakuluan ang tubig upang matiyak na ligtas itong inumin.
Matatandaan na unang nagpadala ng maiinom na tubig si dating Cotabato Board Member Rolly Sacdalan sa naturang lugar.
Nagpaabot rin ng tulong ang LGU-Midsayap sa mga naospital na mga residente.
Sa ngayon ay umaabot na sa 27 katao ang naospital dahil sa pagsusuka,sakit ng tiyan at LBM.
Una nang iniutos din ni Gov. Catamco sa provincial engineering ang mabilisang pagtatayo ng water system sa mga paaralan at sa nga barangay na may problema sa potable water system.
Sa mga konsultasyon ng gobernadora sa barangay ay dapat mabigyang prayoridad ang pagsulong ng potable water system dahil mahalaga ito sa araw-araw na pamumuhay lalo na sa proteksyon para sa kalusugan ng mga residente.