-- Advertisements --

Dinepensahan ni President-elect Joe Biden ang anak nito na si Hunter laban sa isinasagawang imbestigasyon may kaugnayan sa kaniya buwis.

Hunter Biden

Sa isang interview, sinabi ng incoming Democratic President na may tiwala siya sa kaniyang anak.

Aniya, ginamit lamang umano ang kaniyang anak sa mga taong gustong umatake sa kaniya.

Dagdag pa nito, wala siyang pakialam sa mga akusasyon na ibinabato kay Hunter.

Ang mahalaga umano ay gumagawa ng kabutihan ang kaniyang anak at mananatili itong mabuting tao. (with report from Bombo Jane Buna)