-- Advertisements --

Agad na gumulong ang imbestigasyon sa nangyaring banggaan ng pampasaherong eroplano at eroplano ng Japan coast guard sa Haneda airport sa Tokyo, Japan.

Kapwa nagbigay ng kanilang salaysay ang Japan Airlines Airbus 350 at Japan Coast Guard kung dahil sa insidente ay limang kasapi ng coast guard ang nasawi habang 17 mga pasahero ng Japan airlines ang sugatan.

Base sa inisyal ng imbestigasyon na walang nakitang anumang eroplano sa runway ang piloto ng Japan airline bago ito lumapag.

Patungo sana sa Niigata prefecture ang eroplano ng coast guard para magbigay ng tulong sa mga bikitma ng magnitude 7.5 magnitude na lindol ng maganap na insidente.

Magugunitang ito na ang magkasunod na malagim na insidente sa Japan kung saan nitong Lunes ay tumama ang magnitude 7.5 na lindol na ikinasawi ng 57 katao ng tumama ito sa Noto Peninsula sa central prefecture ng Ishikawa.