-- Advertisements --
Sinimulan na ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga ang kanilang sariling imbestigasyon ukol sa gumuhong gusali at mga lumabag sa “no high rise building policy.”
Ayon kay Pampanga Gov. Lilia Pineda sa panayam ng Bombo Radyo, noon pa man ipinagbabawal na ang pagtatayo ng matataas na istraktura sa bayan ng Porac.
Nabatid na ang nasabing bayan ay isa sa mga lugar na dating natabunan ng lahar nang sumabog ang Mt. Pinatubo noong Hunyo 1991, kaya hindi gaanong matatag ang lupa para sa mga malalaking building.
Kaya naman, kailangang gumamit ng kongkretong pilote kung magtatayo ng gusali na may apat na palapag o higit pa.
Kahapon, pinuna rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalidad ng gumuhong supermarket, kung saan marami ang nasawi at nasugatan.