Tatapusin umano ng Food and Drug Administration (FDA) sa loob ng 20 araw ang imbestigasyon sa nangyaring patuturok ng hindi rehistradong bakuna laban sa COVID-19 ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG).
Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, ito ang pagtitiyak sa kanya ng kanilang regulatory office na siyang mangunguna sa gagawing pagsisiyasat.
“We are working with NBI, BOC, and hopefully we get information useful in enforcing the mandate of the FDA and ensure that only registered, safe and effective drugs gain access to the population,” wika ni Domingo.
Patuloy din aniyang mangangalap ng impormasyon ang FDA kahit hindi nakiiisa sa mga imbestigador ang PSG.
Samantala, inatasan na ng opisyal ang FDA enforcement na silipin ang ulat na nangyaring pagbakuna sa 100,000 POGO workers maging sa Binondo, Maynila.
“Wala kaming nahuli, but the rumors are so persistent that there must be some truth to it,” ani Domingo.
Punto ni Domingo, nababahala sila sa kung papaano nakapasok sa bansa ang mga bakuna at kung ginamit ba ito nang maigi.
“Our concern here is the safety of those vaccinated. We won’t arrest those soldiers or the POGO workers. We are concerned about how those vaccines were able to enter and if they are handled properly,” anang opisyal.