Inatasan na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation para imbestigahan ang kaso ng pamamaslang kay Davao Occidental Assistant Provincial Prosecutor Eleanor P. Dela Pena noong Hunyo 10 sa Digos City.
Batay sa naging direktiba ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla,sinabi nito na kailangang maresolba kaagad ang walang awang pagpatay sa naturang Prosecutor.
Layon nito na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga tagapagtaguyod ng batas at hustisya sa bansa.
Hustisya rin ang hiling ng kalihim sa kanilang kapwa empleyado ng pamahalaan.
Kung maaalala,binaril patay si Dela Pena habang nasa loob ng kayang sasakyan dakong alas 5 p.m sa nasabing lugar.
Isang hindi pa nakikilalang gunman ang bumaril dito sakay ng isang motorcycle
Ayon kay Remulla, ang ganitong mga halang ang bituka ay walang puwang sa komunidad maging ang ganitong mga gawain,