Binigyang diin ng Department of Justice na nakadepende sa pamunuan ng National Bureau of Investigation ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa binitawang kill joke ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga senador.
Ito ang iginiit ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla ngayong araw.
Ayon kay Remulla, Motu proprio ng NBI kung magsasagawa sila ng imbestigasyon.
Aniya, hindi na kailangang maglabas pa siya ng kautusan para magsagawa ang NBI ng imbestigasyon sa tila pagbabanta ni Duterte.
Parehong pahayag rin ang binitawan ni NBI Director Jaime Santiago .
Ayon kay Santiago, ang pahayag ng dating presidente ay rhetorics o bahagi lamang ng political agenda ng kanilang partido.
Tiniyak naman ni Santiago na magsasagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation kung may senador na maghahain ng reklamo.