-- Advertisements --

Posible hanggang tatlong linggo bago matapos ang ginagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa nangyaring anomalya sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sinabi ni Ombudsman Samuel Maritires, na kapag matapos ang partial investigation ay malalaman na ang mga responsable sa nasabing usapin.

Patuloy din aniya ang pangangalap nila ng ebidensiya laban sa mga sangkot sa insidente.

Ibinunyag pa nito na kanilang iniimbestigahan ang mga BuCor officials mula 2014 hanggang sa kasalukuyan.