-- Advertisements --
Gumugulong na ang imbestigasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa alegasyon ng may mga ‘ghost employees’ sa kanilang Monetary Board.
Ayon sa BSP na mayroong apat na empleyado at isang immediate supervisors ang sangkot.
Ang nasabing mga sangkot ay boluntaryo na ng nagbitiw sa kanilang puwesto noon pang Marso.
Pagtitiyak ng BSP na kanilang babawiin ang mga tinanggap na sahod ng mga tinaguriang ghost employees.
Mula pa noong Oktubre ng nakaraang taon ay inimbestigahan na ng Office of the General Counsel na ilang mga staff sa opisina ng dalawang Monetary Board members ay tumatanggap ng sahod pero hindi pumapasok ang mga ito sa opisina.
Tiniyak ng BSP na hindi apektado ang trabaho ng kanilang opisina ukol sa nasabing kontrobersiya.