Suportado ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang ikakasang imbestigasyon ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) kontra sa mga tiwaling pulis na nakatanggap ng mga reklamo sa Quezon City Police District.
Sa isang pahayag, kinumpirma ni NAPOLCOM Vice Chair at executive Officer Atty. Rafael Calinisan, na hindi na sila manghihimsok at sususportahan na lamang nila ang imbestigasyonng PNP-IAS.
Tiwala naman umano ang opisyal na makakayanan ng resolbahin ng PNP-IAS ang naturang kaso at makapagbigay agad ng mga magagandang resulta mula rito.
Pagtitiyak ni Calnisan, kumpiyansa siya na maippatupad ng maayos ang imbestigasyon at sususnod sa tamang proseso laban sa mga tiwaling mga pulis.
Samantala, matatandaan namang nito lamang Miyerkules ay magsasagawa ang IAS ng imbestigsyon laban sa mga opisyal na hindi umano’y pumayag sa isang hindi otorisadong pagpapalabas sa isang detainee.
Isang insidente rin ang iniimbestigahan na kung saan isang pulis naman mula sa QCPD yunit ang sumugod nang lasing at nang-harass sa ilang residents sa Brgy. Damayan.