Patuloy parin ang imbestigasyon ng Hagonoy Municipal Police Station (MPS) hinggil sa posibleng dahilan gayundin ang responsableng ina ng bagong silang na bata na natagpuang patay sa isang kanal sa Purok 8, Barangay Poblacion, Hagonoy, Davao del Sur.
Ayon kay Police Major Rhuel Barachina, Acting Chief of Police (ACOP) ng Hagonoy MPS, walang silang naitalang buntis sa barangay nakasakay noon kaya sa tinitingnan ng mga pulis ang pinangalingan ng bata.
Dagdag pa sa opisyal, posibleng galing ang bata sa mga kalapit na munisipyo tulad tulad ng Kiblawan, Matanao, at Padada. Pinayuhan din ng pulisya ang publiko, lalo na ang mga magulang, na kung hindi mabuhay ang bata, lalo na kung ito ay bagong panganak, mas mabuting makipag-ugnayan sa pulisya o sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ito ay maalagan ng tama.