-- Advertisements --

Naglunsad na ng imbestigasyon ang Transport Police Department ng Kazakhstan matapos ang pagbagsak ng Azerbaijan Airlines flight J2-8243 malapit sa Aktau City.

Galing sa capital na Baku sa Azerbaijan ang eroplano at patungo sa Chechnya region ng Russia.

Ang nasabing insidente ay ikinasawi ng 38 katao at 29 naman ang nakaligtas kabilang ang dalawang bata kung saan 11 sa mga dito ay nasa kritikal na kondisyon.

Nahanap na ng mga otoridad ang blackbox ng nasabing eroplano para malaman ang tunay na sanhi ng aksidente.

Mayroong kabuuang 62 pasahero at limang crew members ang nasabing eroplano kung saan 37 sa mga dito ay mamamayan ng Azerbaijian, anim ang Kazakhstan, tatlo ang Kyrgzsta at 16 naman ang Russia.

Dahil na rin sa insidente ay sinuspendi ng Azerbaijan Airlines ang lahat ng mga flights nila mula Baku patungong Grozny at Makhachkala hanggang matapos ang kabuuang imbestigasyon.