-- Advertisements --
Sinimulan na ng Egyptian authorities ang formal investigation sa naganap na pagkakabara ng giant container ship na Ever Given sa Suez Cana na nagdulot ng pagkakantala ng ibang mga barko na nagdedeliver.
Ayon kay Suez Canal Authority (SCA) Chairman Osama Rabie na may mga ilang factors silang tinitignan gaya ng problema sa panahon kabilang ang malakas na hangin, human error sa insidente na nangyari noong Marso 23.
Titignan din ng mga investigators ang seaworthiness ng barko at ang agarang hakbang na ginawa ng kapitan ng barko ng mangyari ang insidente.
Magugunitang sa naganap na anim na araw na pagkakabara ng 400-meter na barko ay naantala ang 163 na barko na dumadaan sa Suez Canal.