-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakatingga ang imbestigasyon sa mga ahensiya ng gobyerno sa pagkawala ng isang Pulis na idinawit sa investment scam na Police Paluwagan Movement o PPM.

Ayon kay NBI Agent Regner Pineza inimbestigahan ng kanilang tanggapan subalit nahirapan sa pagtotok sa kaso dahil kulang ang partisipasyon ng testigo.

Ganito din ang naging pahayag ng Criminal Investigation and Detection Group 12 dahil walang testigo na makuha.

Matatandaan dumulog ang pamilya ni PO1 Kristine Joy Roxas para mahanap ang nasabing Pulis.

Hawak umano ngayon ng pamilya ang ebedinsya para iddin ang mga pinadudahang suspek subalit hindi maiakyat sa piskalya dahil walang tatayo na testigo.

Nawala ang nasabing pulis nang inimbestigahan ang PPM.

Matatandaan pinawalang sala ng regional prosecutors Office ang tatlong Opisyal ng Pulis na itinurong utak sa pagpatakbo sa investment scam dahil kinapos ang ebedinsya para maakyat ang kaso laban sa mga ito.