-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pananabotahe umano sa mapayapang sitwasyon sa Cotabato City ang nangyaring pagsabog noong gabi ng Huwebes Santo.

Una nang nakilala ang mga nasugatan na sina Yusuph Talusan Kalim, Azmad Cader at Marguilana Kalim mga residente ng Purok Manday Mother, Barangay Bagua, Cotabato City.

Matatandaan na sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa lumang himpilan ng Police Station 2 sa Jose Lim Sr., street sa lungsod ng Cotabato.

Dahil sa lakas nang pagsabog ng bomba, tatlong sibilyan ang tinamaan.

Agad dinala ang mga sugatan sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).

Nang mag-respone ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army at PNP tatlong IED pa ang narekober na kusa nilang pinasabog.

Mariin namang kinondena ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani Sayadi ang nangyaring pagsabog at iniutos sa pulisya na laliman pa ang imbestigasyon.