TACLOBAN CITY – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa pagbabaril-patay ng dating konsehal gayunding ang ka live-in nito sa Brgy. Cagnipa, Tinambacan District, Calbayog, Samar.
Kinilala ang dating konsehal na si Jessie Jackson, samantala kinilala naman ang ka live-in nito na si Erika Ygrubay, 20 taong gulang at residente ng naturang lugar.
Ayon kay Police Col. Glenn Oliver Cinco Provincial Director ng Samar Police Provincial Office (SPPO), na sakay ang dalawang biktima ng isang single na motorsiklo nang harangin ang mga ito ng mga gunmen at pinagtatadtad ng tama ng bala.
Narekober naman sa crime scene ang napakaraming basyo ng bala at isang sachet ng shabu.
Kaagad naman na nakatakas ang mga suspek matapos ang naturang insidente samantala nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyonng mga kapulisan kun ano ang motibo sa naturang insidente.