
Sinimulan na ng Commission on Human Rights ang imbestigasyon nito sa kaso ng mga kontrobersyal na aktibistang sina Jonila Castro and Jhed Tamano.
Pero ayon sa Komisyon, ang kasong ito ay isa sa pinaka-komplikadong kaso na kinauugnayan ng mga aktibista at ng tropa ng pamahalaan na silang inaakusahang gumawa sa pangingidnap.
Gayonpaman, tiniyak ng CHR na mananatili itong objective at independent sa isasagawang imbestigasyon.
Kabilang umano sa ikinukunsidera ng komisyon ay ang kaligtasan ng dalawang aktibista, kasama na ang kanilang kahilingan na maprotektahan ang kanilang karapatang pantao.
Maliban dito, ikinukunsidera rin ng komisyon ang hakbang ng pamahalaan na paghahain ng kaso laban sa dalawang aktibista matapos silang bumaliktad mula sa kanilang inisyal na pahayag na sila ay sumurender sa mga otoridad.
Maalalang bago ang paglutango pagsurender ng dalawang aktibista ay nagsagawa rin ang CHR ng imbestigasyon upang matukoy ang dahilan ng pagkawala ng dalawa.
Ayon sa CHR, umabots a 15 military camps at detention facilities mula sa ibat ibang probinsya ang kanilang pinuntahan para magsagawa ng search operation.
Kinabibilangan ito ng mga kampo sa Bataan, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, at Zambales.
Noong Setyembre-15, 2023, unang kinumpirma ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) na ang dalawang aktibista ay ligtas, matapos umano silang sumuko sa 70th Infantry Batallion, Phil Army na nakabase sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan.
Apat na araw matapos nito ay nagsagawa ang Task Force ng isang pulong balitaan kasama ang dalawang aktibista ngunit sa naturang balitaan, sinabi ng dalawa na hindi totoong sumuko sila, bagkus ay tinakot umano sila at dinukot ng tropa ng pamahalaan.