-- Advertisements --
image 494

Tinapos na ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga talakayan at imbestigasyon nito sa umano’y human smuggling sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa pagtatapos ng imbestigasyon, hinimok ni Panel Chairperson Senator Francis Tolentino ang Bureau of Immigration (BI) na maging “steadfast and consistent” sa mga procedures.

Nanawagan si Tolentino sa Bureau of Immigration na magkaroon ng pantay na pagtingin sa lahat ng pasahero.

Samantala, inihayag ni Tolentino na dapat makipagpulong ang Philippine National Police Aviation Security Group sa bago nitong commander head para linawin ang mga responsibilidad.

Sa palagay ng mambabatas, ay dapat na linawin kung sino ba aniya ang may huling pagpapahintuloy – ang police exit clearance o ang CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines) clearance – bago umalis ang isang pribadong eroplano.

Naniniwala rin si Tolentino na dapat gawing streamlined ang mga serbisyo ng aviation.

Una rito, tinanggal sa bagong posisyon bilang Regional Intelligence Officer ang isang Immigration officer habang patuloy na hinihintay ang imbestigasyon sa umano’y human smuggling sa NAIA noong pebrero 13 sa kasalukuyang taon.

Inihayag ni Jeff Pinpin na dahil sa kanyang kondisyon sa kalusugan, hiniling niyang ilipat mula sa kanyang posisyon bilang isang immigration officer noong pebrero 9 at itinalaga siya sa Bureau of Immigration’s office (BI) Intelligence Office sa region 4.

Sa kabila ng kanyang napipintong paglipat, sinabi ni pinpin na inakala niyang naka-duty pa siya nang mangyari ang diumano’y human smuggling incident dahil wala pa siyang kapalit.

Sinabi ni Bureau of Immigration commissioner Norman Tansingco na ang administratibong imbestigasyon ay isinumite sa board of discipline para sa resolusyon — kung si pinpin ay kakasuhan.