Nakatakdang simulan ng Senado ang imbestigasyon sa umnao’y mga kriminal na aktibidad ng Kingdom of Jesus Christ founder na si Apollo Quiboloy sa Enero 23, 2024
Ito ang nakapaloob sa ibinahagi ng opisina ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na kopiya ng pagdinig sa kinakaharap na reklamo ng self-proclaimed ‘appointed son of God” na si Quiboloy.
Matatandaan na naghain ng isang resolution si Sen. Hontiveros noong araw ng Lunes para imbestigahan si Quiboloy na inaakusahang sangkot sa mga aktibidad ng large-scale human trafficking, rape, sexual abuse and violence, at child abuse na ginagawa umano ng palihim sa likod ng religious organization.
Sa privilege speech ng Senadora, ibinahagi nito ang accounts ng umano’y mga biktima ng criminal activities ni Quiboloy.
Bilang tugon naman sa mga alegasyong ibinabato kay Quiboloy, hinamon ng abogado nito na si Atty. Ferdinand Topacio si Sen. Hontiveros na maghain ng kaso at dalhin ito sa korte.
Samantala, nagpahayag naman ng pagtutol si Senator Robin Padilla sa imbestigasyon laban sa umano’y criminal activities ji Quiboloy na iginiit ng Senador na mga kasong isinusulong umano ng mga Amerikano.
Ayon sa Senador, allergic ito sa pagkakaso ng amerikano na tinawag nitong puti at nakakainsulto aniya ito sa ating bayani kayat kung pagbabasehan aniya ang mga alegasyon sa idinulog ng korte ng ibang bansa ay tutol ang Senador.
Pero kung ito aniya ay kaso sa PH, hindi nito tututulan.