-- Advertisements --

Magpupulong ngayong araw ang SITG Aquino na binuo para magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng alkalde ng Calbayog na si Mayor Ronaldo Aquino, driver nito at ang dalawang miyembro ng PNP.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PRO-8 spokesperson Col. Bella Rentuaya, sinabi nito na ibat ibang units ang miyembro ng binuong special investigation task group Aquino para mabatid ang katotohanan sa likod ng madugong insidente.


Aniya, wala pa silang maibibigay na impormasyon kaugnay sa insidente at kung may operasyon din ba nuon ang mga operatiba ng PNP IMEG at Provincial Drug Enforcement Unit.

Sinabi ni Rentuaya, nasa proseso na rin ang SITG sa pagkuha ng mga testimonya sa mga police personnel na sangkot sa shooting at maging ang mga testigo sa insidente.

Siniguro ng PNP region 8 na walang mangyayaring cover up sa gagawing imbestigasyon.

Tumanggi muna si Rentuaya na magbigay ng anumang impormasyon ukol sa shooting incident gayong gumugulong na ang isang malalimang imbestigasyon.