-- Advertisements --
Nilinaw ng Malacañang na hindi nangangahulugang wala ng korupsyon sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) matapos bawiin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinataw na suspensyon sa nasabing sugal.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pa naman tapos ang isinasagawang imbestigasyon laban sa mga indibidwal na umano’y sangkot sa korupsyon ng STL.
Ayon kay Sec. Panelo, ang pag-aalis ni Pangulong Duterte ay ibinatay umano sa rekomendasyon ng PCSO board.
Kumpiyansa si Panelo na mas lalakas pa ang laban ng gobyerno kontra korupsyon sa STL dahil sa dami ng mga kondisyong kaakibat ng lifting ng ban kung saan mas mahihirapan daw ang mga tiwaling humanap ng palusot sa hindi pagre-remit ng tamang share ng gobyerno.