-- Advertisements --

Gumugulong na ang imbestigasyon sa isang babaeng Chinese na ilegal na nakapasok sa Pilipinas.

Ito ay matapos maaresto ang naturang dayuhan saka ikinustodiya ng Bureau of Immigration nang madiskubre na wala itong immigration record at walang arrival stamp.

Tinukoy ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang naturang Chinese national na si Zhang Zimo, 23 anyos na nadakip sa NAIA Terminal 3 noong Hunyo 15 nang pasakay na ito sa Southern Airlines flights patungong Guangzhou, China.

Sa ngayon nakakustodiya ang naturang Chinese sa BI Warden facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig city habang nakabinbin ang kaniyang deportation proceedings.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng bureau kung kailan, saan at kung paano nagawa ng Chinese national na makapasok sa bansa nang walang entry vis at hindi dumadaan sa immigration inspection.