Umapela sina senators-elect Imee Marcos at Ramon “Bong” Revilla Jr. nitong araw sa kanilang mga bashers na itigil na ang pagbato ng kritisismo laban sa kanila.
Sinabi rin ni Marcos na huwag naman daw matakot ang mga bumabatikos sa kanya at kanyang pamilya sapagkat hindi naman daw sila mapaghiganti.
Una rito, makailang ulit naging target ng pangungutya si Marcos matapos na tumanggi itong sagutin ang mga katanungan hinggil sa kanyang edukasyon.
Samantala, pagkatapos ng proklamasyon ng mga nanalo sa 2019 polls, hinimok din ni Revilla ang kanya namang mga bashers na itigil na ang pagbatikos sa kanya.
Dapat magsama-sama na raw ang lahat para sa ikakaunlad ng bansa.
Si Revilla ay kakalaya lamang sa Philippine National Police Custodial Center dahil sa pagbulsa raw ng P224.5 million na kickback matapos gamitin ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF), o pork barrel, sa mga bogus foundations.
Inabsuwelto si Revilla ng Sandiganbayan noong Disyembre 2018.