Hindi nabahala si Senadora Imee Marcos sa pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na biro umanong dapat patayin ang 15 senador. Ayon kay Marcos, hindi siya natatakot dahil alam niyang mahal siya ng dating pangulo.
Sa isang press conference, nagbigay ng patutsada si Marcos gamit ang isang wordplay.
Paliwanag pa niya, sanay na siya sa istilo ng pagsasalita sa Davao, kaya hindi na siya nagulat sa mga matatalas na pahayag ng dating pangulo.
Ginawa ni Duterte ang kontrobersyal na pahayag sa isang rally ng PDP-Laban sa Club Filipino, San Juan City. Ayon sa kanya, kung may 15 bakanteng pwesto sa Senado, mas malaki ang tsansa ng kanyang mga sinusuportahang kandidato na manalo.
Samantala, nagbigay ng iba’t ibang reaksyon ang mga mambabatas sa parehong Kamara. Sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat nang ipaubaya sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang isyu.
Gayunpaman, nagbigay rin siya ng matinding puna sa pahayag ng dating pangulo na Kapag ang isang tao ay paulit-ulit na binabanggit ang kamatayan at pagpatay tuwing nagsasalita, isa itong nakakabahalang indikasyon ng seryosong problema sa personalidad.