-- Advertisements --
Binawasan ng Internationa Monteray Fund (IMF) ang economic growth forecast ng bansa ngayong taon at sa susunod na taon.
Isa sa dahilan aniya, ay dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ang pagpapatupad ng mas mahigpit na mga lockdowns.
Sa pinakahuling World Economic Outlook na binawasan ng Washington-based lender ang growth outlook ng bansa sa 3.2 percent ngayong taon mula sa 5.4 % na projection na unang inanunsiyo noong Hunyo.
Ang pinakahuling forecast ng IMF ay mas mababa pa sa full-year target ng gobyerno na 4% hanggang 5% ngayong taon.
Ayon kay IMF World Economic Studies Division chief Malhar Nabar na noong second quarter ng taon ay doon nagkaroon ng pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.