-- Advertisements --
Inaprubahan ng International Monetary Fund (IMF) board ang bagong 48-buwan extended $15.6 bilyon na loan para sa Ukraine.
Ang nasabing loan ay bahagi ng support package para sa Ukraine na mayroong kabuuang $115 bilyon at pinapayagan na agarang mailabas ang nasa $2.7 bilyon.
Pinasalamatan naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang IMF, kasama si Managing Director Kristalina Georgieva dahil sa pag-apruba ng nasabing loan.
Pinuri naman ni IMF First Deputy Managing Director Gita Gopinath ang Ukraine dahil kahit na nilulusob sila ng Russia ay napapanatili nilang matatag ang kanilang ekonomiya.
-- Advertisement --