-- Advertisements --

Humanga ang International Monetary Fund (IMF) mission members sa economic performance at pro-poor policies ng Pilipinas na layong masustini ang paglago ng ekonomiya kung saan makikinabang dito ang mga ordinaryong mamamayan ng bansa.

Ito ang inihayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pulong nito kasama ang IMF Mission Members kung saan binigyan nito ng briefing ang delegado kaugnay sa mga ipinatutupad na reporma ng Marcos Jr administration para sa mga mahihirap na mamamayan.

Nais kasi ng Chief Executive na walang mga Pilipino ang mapag-iwanan sa post-pandemic economic recovery ng bansa.

Ang IMF delegation ay pinangunahan mismo ni Mission Chief Jay Peiris; Resident Representative Ragnar Gudmundsson; Senior Economist Yinqiu Lu at Economist Tristan Hennig.

“From our discussions, I could confidently say that the IMF Mission Members were impressed with the Philippines’ economic performance and the government’s economic agenda. They expressed confidence that the Philippines will continue to grow strongly in the years ahead,” wika ni Speaker Romualdez.

Ayon naman kay Mission Chief Peiris,”Everything going in the right direction. Philippine economy is solid, though the country should be ready to respond for any shock.”

Ang IMF ay nagpapanatili ng isang regular na pag-uusap sa patakaran sa mga pamahalaan ng mga bansang kasapi nito.

Ina-assess din nito ang mga kondisyong pang-ekonomiya at nagrerekomenda ng mga patakaran na nagbibigay-daan para mapanatili ang paglago.

Sinusubaybayan din ng IMF ang panrehiyon at pandaigdigang pag-unlad ng ekonomiya at pananalapi.

“I am grateful to the IMF Mission Members for their visit and I look forward to a more insightful and productive collaboration with them in the future,” pahayag ni Speaker Romualdez.