Pinutol ang access ng Afghanistan sa fund resources ng International Monetary Fund (IMF) dahil sa hindi pa malinaw na pagkilala ng international community sa bagong liderato nito matapos na maagaw ng militanteng grupong Taliban ang gobyerno ng Afghanistan.
Ang naturang hakbang ng IMF ay mula sa US Treasury na humahawak ng malaking share sa naturang pondo ito ay para matiyak na hindi mapupunta sa kamay ng mga Taliban ang share ng Afghan government sa Special Drawing Rights assets.
Nasa $370 million mula sa IMF ang nakatakda sanang dumating sa Afghanistan sa August 23 na kabilang sa global IMF fund na nakalaan para sa economic crisis response.
Sinuspende rin ang access ng Afghanistan sa reserves fund ng International Monetary Fund sa Special Drawing Rights (SDR) assets na maaring ma-convert sa currencies ng gobyerno.
Kahit pa muling mabigyan ng access ang Afghanistan sa Special Drawing Rights asset ay mahihirapan ang Taliban na gamitin ang pondo dahil kailangan pa ng approval mula sa isang bansa upang maipalit ito sa currency o pera na posibleng harangin ng Amerika sa pamamagitan ng financial sanction laban sa Taliban.