Bukas si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na pag-aralan ang iminumungkahi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na bawasan ang ipinapataw na taripa sa rice imports upang maibaba ang presyo ng bigas.
Ayon kay Revilla, kinakailangan bumalangkas ng mga hakbang upang matulungan ang mga Pilipino sa patuloy na pagsirit ng presyo ng bigas sa merkado.
Inamin ng Senador na hindi siya eksperto sa ganitong usapin ng pagbubuwis, binigyang-diin ni Revilla na maaaring maikunsidera ang suhestiyon ni Diokno upang makatulong sa publiko.
Samantala, kasabay aniya ng pagbalangkas ng iba’t ibang hakbang kinakailangan na ipagpatuloy ang paghahabol sa mga rice hoarders, cartel at smugglers kasama na ang mga price manipulators.
Hindi aniya dapat pabayaang makalusot ang mga ito sa batas at dapat silang parusahan.