Nakatakdang pumirma si Toronto Raptors guard Immanuel Quickley ng 5-yr contract extension.
Ang naturang kontrata ay sinasabing nagkakahalaga ng $175 million, batay sa inisyal na report sa NBA.
Si Quickley ay napunta sa Raptors kasama ang kapwa swingman na si RJ Barett noong huling bahagi ng 2023.
Naging kapalit ni Quickley ay sina OG Anunoby, Malachi Flynn, at Precious Achiuwa na napunta naman sa New York Knicks.
Sa unang season ni Quickley sa Raptors, gumawa siya ng 18.6 points, 4.8 rebs, at 6.8 assts, gamit ang 42.2% overall at 39.5% sa 3-pt line.
Maalalang una na ring inalok ng Raptors ang bagito nitong All-Star na si Scottie Barnes kung saan nakatakda rin itong pumirma ng $225 million na kontrata para sa limang taon na pamamalagi niya sa Raptors.
Sa nakalipas na season, si Barnes ay nakapasok sa All-Star bilang kapalit ni Philadephia 76ers bigman Joel Embiid na dumanas ng injury bago ang pagsisimula ng turneyo.
Sa naturang season, hawak ni Barnes ang 19.9 points, 8.2 rebounds, 6.1 assists at 1.3 steals, hawak ang 47.5% overall shooting at 34.1% sa 3-pointers.