-- Advertisements --
US Embassy

Nagpaalala ang US Embassy sa Pilipinas na pansamantala muna nilang kinakansela simula ngayong araw ang lahat ng mga naka-schedule na non-immigrant visa hanggang July 31, 2020.

Sa inilabas na abiso ginawang dahilan ng Amerika sa kanilang hakbang ang malaking hamon na kinakaharap ngayon ng mundo sa COVID-19 pandemic.

Ang Estados Unidos ang siyang nangunguna ngayon sa buong mundo sa mga COVID cases na meron ng 2.7 million habang nasa 130,123 na ang death toll.

Ayon sa US Department of State ang suspension ng routine visa services ay kanilang ipinapatupad sa lahat ng kanilang embahada at mga konsulada sa buong mundo.

Gayunman, mag-iisyu pa rin daw sila ng emergency visa services kung kinakailangan.

Tiniyak din naman ng US Embassy na agad naman nilang ibabalik ang visa services sa lalong madaling panahon.

Gayunman wala pang masabi ang Amerika sa petsa kung kelan ito mangyayari.

Kung sakaling mag-resume na ang visa services maaaring “magpa-reschulde ang mga applicants at tumawag lamang sa kanilang Embassy call center +63 (2) 7792-8988 at sa +63 (2) 85488223 o kaya sa online appointment system ustraveldocs.com/ph

Samantala, nilinaw din ng Embassy na wala pa namang anunsiyo kung may dagdag sa singil sa change of appointment.

Ang visa application ay valid hanggang isang taon.

VISA US