Walang nakikitang ebidensiya ang Bureau of Immigration (BI) na nagkaroon ng lagayan o pagtanggap ng pera ng kanilang tauhan para tuluyang makatakas sa bansa ang mga promenenteng tao nahaharap sa kaso.
Sinabi ni Bureau of Immigration Commissioner Joel Viado, na hindi dumaan sa pormal na channel si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo noong ito ay tumakas palabas sa bansa.
Giit nito na paanong akusahan ang mga tauhan ng BI na naktanggap ang mga ito ng lagay kung ibang lugar ang dinaanan ng mga ito.
Mayroon ng mga nakakalat na close circuit television sa mga paliparan at pantalan kaya napaka-imposible aniyang magkakaroon ng sabwatan ang mga tauhan nila at ilang mga matataas na opisyal.
Gaya aniya ng mga unang pahayag ng Inter-Agency Council Against Trafficking na maaring lumabas si Guo sa backdoor exit kung saan nagtungo ito sa Sabah, Malaysia sa pamamagitan ng pagtawid sa Tawi-Tawi.