Kinumpirma ng Department of Justice na naglabas na sila ng immigration lookout bulletin order laban kay dating Presidential spokesperson, Atty. Harry Roque at labing isang indibidwal.
Ayon kay DOJ Asec. Mico Clavano, ito ay may kinalaman sa isinagawang operasyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Porac, Pampanga.
Sa ilalim ng naturang kautusan, susubaybayan ang bawat biyahe nito sa labas ng bansa.
Kabilang sa imomonitorn ng Bureau of Immigration ang itineraries ng flight nito, byahe ay kasalukuyang lokasyon.
Nakasaad sa kautusan ng DOJ, isinasaalang-alang nito ang bigat ng posibleng kaso kahaharapin ng dating presidential spokesperson.
Hindi kasi inaalis ang posibilidad na umalis ito ng bansa upang iwasan ang mga legal na proseso.
Sinabi naman ni Roque na ito ay malinaw na panghaharas laban sa kanya.