Nakatakdang ipatatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga nasuspindeng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).
Sinabi ni Sen. Go, sa Lunes haharapin ni Pangulong Duterte ang mga nasuspindeng opisyal ng Immigration na umano’y sangkot sa tinatawag na systematic corruption sa ahensya.
Pangunahin sa mga nasuspindeng opisyal ay ang mga sangkot umano sa “pastillas scheme” sa airport o mga tumatanggap ng pera na mistulang pastillas na binalot sa papel kapalit ng mabilis na pagpapapasok ng mga Chinese sa bansa.
Ayon pa kay Sen. Go, gagawin nang regular ni Pangulong Duterte ang pag-aanunsyo sa publiko ng mga pangalan ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno para madala ang mga ito at huwag nang gayahin pa ng ibang nagsisilbi sa pamahalaan.
Nitong Lunes ay isa-isang inianunsyo ni Pangulong Duterte ang mga umano’y tiwaling opisyal ng Immigration, Bureau of Customs (BOC) at PhilHealth.