-- Advertisements --

Inanunsyo ng Bureau of Immigration na mapapadali na ang immigration process ng mga Overseas Filipino Workers na palabas ng bansa.

Ito ay matapos buksan ng kawani ang bago nitong OFW wing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng Terminal 3.

Kung saan layunin na mas maging episyente at mapabilis ang proseso ng pag-alis ng mga Pilipinong manggagawa patungong abroad.

Kaya naman nagpaabot si Bureau of Immigration Commisioner Joel Anthony Viado ng pasasalamat sa otoridad ng airport sa pagpapalawak ng naturang immigration area.

Dahil dito, aniya’y mababawasan na ang congestion ng mga pila lalo na pagdating o pagsapit ng peak travel seasons.

Dagdag pa ni Commissioner Viado, ang pagbabagong ito ay nakapagpabuti hindi lamang sa mga OFW kundi pati na rin sa mga turistang nagpoproseso sa Immigration.

Tinatayang nasa higit 3,400 OFWs ang kanilang naitatala palabas ng bansa araw-araw.