Nakabawi na ang immunization coverage sa bansa, ayon kay Health Sec. Francisco Duque III.
Kasunod ng pagkamatay ng ilan na iniuugnay sa kontrobersiyal na dengue vaccine na Dengvaxia, bumaba ang immunization program coverage ng Department of Health (DOH).
Pero sa ngayon, nakabawi na raw ito at sa measles vaccination pa lamang ay nasa 93 percent na ang kanilang coverage.
Magugunitang Pebrero 6 nang magdeklara ang DOH ng measles outbreak sa Metro Manila.
Isang araw pagkatapos nito, pinalawak pa ng DOH ang measles outbreak declaration sa iba’t ibang rehiyon tulad ng Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas, and Central Visayas.
Nangako naman ang kagawaran na kanilang ipagpapatuloy ang kanilang efforts sa pagbakuna ng mga mag-aaral laban sa measles ngayong nagbukas na muli ang school year.
“Lahat ng kindergarten hanggang Grade 7, dapat mabakunahan. Uumpisahan natin ito. Aantayin lang natin mag-settle down muna ang estudyante, mga magulang at mga DepEd (Department of Education) personnel,” saad ni Duque sa isang panayam.