Naniniwala pa rin si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na hindi matindi ang magiging impact sa ekonomiya ng Pilipinas ng Russia-Ukraine crisis.
Tinawag ni Diokno na limited lamang kasi ang exposure ng Pilipinas sa dalawang bansa.
Liban nito, malayo rin daw ang distansiya ng bansa sa nangyayaring giyera kaya limitado ang pagkakaugnay ng ekonomiya ng bansa sa mga ito.
Giit pa ng central bank chief, malakas pa rin daw ang macroeconomic fundamentals ng Pilipinas.
Tinukoy pa nito na kung tutuusin maliit lamang ang export ng bansa patungong Russia at Ukraine na nasa $120 million at $5 million noong nakaraang taon.
Gayunman aminado ito, tatamaan naman ang ekonomiya ng mundo dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin.
Bahagya rin umanong mabubulabog ang financial confidence bunsod ng oil price hike at ang presyuhan ng trigo na kabilang sa mga produkto ng naturang dalawang bansa.
“Doing sensitivity analysis, we arrived at the following forecasts: if average world price of oil is $95 per barrel, domestic inflation will be 4%; if $120 per barrel, it will be 4.4 %; and if $140 per barrel, it will be 4.7%,” ani Diokno.