Hinikayat ng United Nations High Commissioner for Human Rights ang Hong Kong government na humanap ng sapat na ebidensya upang patunayan ang di-umano’y paggamit ng dahas ng Hong Kong authorities laban sa mga raliyista.
Ito ay matapos gumamit ng tear gas ng mga otoridad upang mapigilan ang panggugulo ng mga anti-government protesters.
Ayon kay Michelle Bachelet, dapat umanong makipag-dayalogo ng maayos ang mga otoridad sa mga raliyista upang mapanumbalik ang seguridad ng publiko.
“Officials can be seen firing tear gas canisters into crowded, enclosed areas and directly at individual protesters on multiple occasions, creating a considerable risk of death or serious injury,” saad ni Bachelet.
Naniniwala naman ito na tutuparin ni Hong Kong leader Carrie Lam ang kaniyang pangako na pakikinggan ang hinaing ng kaniyang mamamayan.