-- Advertisements --
Javad Zarif
Iranian Prime Minister Mohammad Javad Zariff says if a war breaks out between his country and United States, it won’t be a ‘limited one.’

Nanindigan si Iranian Prime Minister Mohammad Zarif na walang kinalaman ang Iran sa nakaraang insidente nang pagpapasabog sa dalawang oil facilities sa Saudi Arabia.

Para sa Iranian top envoy, wala umanong magandang pinatutunguhan ang pananakot ni US President Donald Trump sa kanilang bansa.

Aniya, hindi raw magawang maipaliwanag ng US kung bakit ang isang state of the art equipment ay hindi nagawang harangin ang isang mahinang drone-attack.

Una nang inako ng Houthi rebel group mula Yemen ang naturang pag-atake ngunit hindi ito pinaniwalaan ng US at mas idiniin pa na Iran ang totoong utak sa likod nito.

Pinangangambahan din umano ni Zarif na ginagawa lamang big-deal ng Estados Unidos ang pag-atake sa oil refinery upang malihis ang atensyon ng publiko sa tunay na kinakaharap ng Yemen.

Base raw kasi sa huling impormasyon na nakalap nito, bukod sa pagkakaparalisa ng halos 50% oil production ng Saudi ay walang kahit sinoman ang nasaktan sa insidente. Hindi raw tulad nang kasalukuyang kalagayan ng Yemen kung saan milyon-milyong tao ang namamatay dahil sa sakit na Cholera.

Dagdag pa nito, tatanggapin lamang nila ang resulta ng imbestigasyon ng mga international investigators kung hindi ito magiging bias sa Estados Unidos.

Tinig ni Iranian Prime Minister Mohammad Zarif.