Hinamon ng Malacañang ang mga kritiko na magsampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpayag nitong makapangisda ang mga Chinese sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Una nang sinabi ni Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio na alinsunod sa Konstitusyon, hindi maaaring payagang makinabang ang ibang bansa sa anumang yamang nasa loob ng EEZ ng Pilipinas at dapat mga Pilipino lamang.
Habang inihayag naman ni dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na impeachable offense ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung sa tingin nina Del Rosario ay impeachable offense ang posisyon ni Pangulong Duterte, malaya silang maghain sa Kongreso.
Ayon kay Sec. Panelo, para sa kanila ay walang paglabag si Pangulong Duterte at walang culpable violation of the Constitution para basehan ng isang impeachable offense.
Ang katotohanan ay tapat daw na tinutupad ni Pangulong Duterte, partikular ang proteksyon ng Saligang Batas at interes ng sambayanang Pilipino