Hindi pamumulitka ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kundi isang tugon sa kabiguan nito na ipaliwanag ang kanyang ginawang paggastos ng confidential fund at pagbibigay nito kay Mary Grace Piattos, na walang rekord sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ang tugon ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union laban sa mga pahayag na sinasabing may halong interes sa politika ang impeachment kasabay ng pagbibigay diin na ang mga proseso ay nag-ugat sa mga hindi nasagot na tanong sa imbestigasyon ng Kamara.
Punto ni Ortega na imbes na sagutin ang mga isyu, pinili ng pangalawang pangulo at ng kaniyang mga kaalyado na ipabasura ang impeachment complaint na isang political stunt, sa kanila ng bigat ng mga akusasyon.
Siniguro naman ng mga mambabatas na naghahanda ang Kamara de Representantes, partikular ng prosekusuyon para sa paglilitis sa Senado.
Ayon kay House Assistant Majority Leader Ernix Dionisio ng Maynila, kahit hindi sila kasama ni Ortega sa prosekusyon at kumpiyansa sila sa kahandaan ng grupo.
Sabi pa ni Ortega na aktibo ang House prosecution team sa pakikipag-ugnayan sa publiko kaugnay sa kaso.
Nagbahagi naman ng ilang legal na estratehiya ng prosekusyon si House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur.
Hinihintay na lamang aniya ng prosecution team ang desisyon ng Senado kung kailan magco-convene bilang imepeachment court.