Matapos na ilabas ng Supreme Court ang desisyon nito laban kay Presidential Assistant on Poverty Alleviation na guilty sa kasong grave misconduct, plano ngayon ng kampo ng kalihim na maghain ng impeachment complaint laban sa Mahistrado nito.
Ang kaso ni Gadon ay may kinalaman sa mga naging pahayag nito laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na isa lamang hearsay o sabi-sabi .
Kung maaalala, inakusahan nito ang dating mahistrado ng kasong perjury na hindi naman napatunayan ng korte.
Ayon kay Gadon, sa ngayon ay hinihintay ng kanilang kampo ang kopya ng desisyon ng kataas-taasang hukuman.
Sa oras na matanggap nila nang kopya ay pag-aaralan nila ang magiging hakbang dito.
Saad pa nito na pinupulitika lamang siya kaya ito pinag-iinitan.