-- Advertisements --

Naghain na ang ilang civil society organizations, religious leaders, sectoral representatives, at pamilya ng Tokhang victims ng kauna-unahang impeachment complaint laban kay Vice Pres. Sara Duterte sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Idinetalye sa reklamo ang apat na grounds para sa impeachment, ito ay ang culpable violation of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, at other high crimes.

Inendorso ito ni Akbayan Rep. Perci Cendaña sa Office of the Secretary General ng Kamara.

Para kay dating Sen. Leila de Lima, ito ang pinaka-angkop na gawin, matapos lumitaw ang mga isyu laban sa pangalawang pangulo.

“This impeachment is not just a legal battle but a moral crusade to restore dignity and decency to public service,” ayon naman kay De Lima.