Tiniyak ni House Secretary General Reginald Velasco na maaaksyuhan na sa loob ng linggong ito o bago mag-break ang Kongreso, ang impeachment complaints laban kay Vice Pres. Sara Duterte.
Ginawa ni Sec. Genang pahayag bunsod sa mga puna na walang pag-usad ang mga reklamo sa Kamara.
Sa isang panayam sinabi ni Velasco na ngayong linggo na ang deadline para sa naturang mga impeachment complaint.
Aniya, hinintay pa kasi ang ika-apat na impeachment complaint, na pinabilis na proseso o yung target na diretso na sa Senado.
Pero sa ngayon, hindi pa naihahain ang panibagong impeachment.
Dagdag ni Velasco, nabigyan naman ng sapat na panahon ang mga magsasampa, kaya kung wala pa talaga ay ita-transmit na ng Office of the SecGen sa tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang naunang tatlong impeachment complaints ngayong linggo.
Sa tanong naman sa batikos na parang dini-dribble na lamang ang mga impeachment complaint, ang sagot ni Velasco, hindi siya marunong mag-dribble.
“ They’re looking for the fast track process ‘no which will override all these requirements ‘no once they file with 103 or more congressmen diretso ‘yan sa ano plenary and then senate agad. Well they are still looking for endorsers and then they’re looking at the complaints kasi they want a simplified complaint,” pahayag ni Sec. Gen.