Nabalam ng halos limang oras ang pagsisimula ng impeachment hearing sa komite sa US Congress matapos ang mistulang protesta na ginawa ng mahigit sa 20 mga US representatives mula sa Republicans na kaalyado ni US President Donald trump.
Hindi agad nakapagsimula ang closed-door hearing ng House Intelligence Committee na kinokontrol ng mga Democrats.
Una nang ipinatawag ng tatlong komite si Deputy Assistant Defense Secretary Laura Cooper upang isailalim sa interview.
Inaalam ngayon ng US Congress kung may pananagutan si Trump sa paghingi niya ng tulong sa Ukraine na imbestigahan ang kalaban sa politika na si dating Vice President Mike Pence.
Sinasabing pinigil pa raw ni Trump ang pondo bilang tulong para i-pressure ang Ukraine.
Pero hindi nagustuhan ng Republicans ang close door meetings na ginagawa ng tatlong committees na Intelligence, Foreign Affairs at Oversight, na mistula raw may itinatago o hindi transparent.
Pinasok ng mga Republicans ang meeting room o secured room at doon nagkasigawan.
Ilan sa mga naksaksi ang nagsabi rin na ang mga Republicans ay nagdala pa ng mga cellphones na mahigpit na ipinagbabawala sa isang high-security facility.
Isa pang witness ang nagkuwento na tinawag pa ang Capitol police upang payapain ang lugar at i-clear ang room sa mga nanggulo.
Samantala, dahil sa pangyayari nagalit ang mga Democrats at kinondena ang ginawa ng kanilang mga kasamahang mga mambabatas.